Sent by a friend: "But it's always you I run home to, take me back, take me home away from here back to where I am free" -"Los Banos" by Sugarfree Dalawang oras mula sa usok-infested streets of Metro Manila matatagpuan ang aking personal heaven dito sa mundo. Matanaw ko pa lang ang Mt. Makiling mula sa South Superhighway, kinikilig na ako. Wala naman akong girlfriend sa LB. Lalo nang wala ding boyfriend. Kahit ka-fling na pwedeng balikan, wala naman akong pupuntahan. Pero yung feeling pwede mong itulad sa pagpunta mo sa bahay ng mahal mo matapos ang isang buwang walang pag-uusap o pagkikita. Nasa LB ang org ko, pero hindi naman kami close ng mga orgmates, actually parang iwas pa nga sila sa kin e. Nandito sa Metro Manila ang mga kaibigan ko. Nasa Pasig ang pamilya ko. Wala naman akong ancestral roots sa Los Banos. Mayroon lang talagang hindi maintindihang connection sa pagitan ko at ng napakagandang lugar na to. Bakit kaya ako napaibig sa Los Banos? Suspect :...
Minds are like parachutes - they only function when they are open. -Paulo Coelho