Skip to main content

HOW I LOVE UPLB

Sent by a friend:
"But it's always you I run home to, take me back, take me home away from here back to where I am free" -"Los Banos" by Sugarfree

Dalawang oras mula sa usok-infested streets of Metro Manila matatagpuan ang aking personal heaven dito sa mundo. Matanaw ko pa lang ang Mt. Makiling mula sa
South Superhighway, kinikilig na ako. Wala naman akong girlfriend sa LB. Lalo nang wala ding boyfriend. Kahit ka-fling na pwedeng balikan, wala naman akong pupuntahan. Pero yung feeling pwede mong itulad sa pagpunta mo sa bahay ng mahal mo
matapos ang isang buwang walang pag-uusap o pagkikita.

Nasa LB ang org ko, pero hindi naman kami close ng mga orgmates, actually parang iwas pa nga sila sa kin e. Nandito sa Metro Manila ang mga kaibigan ko. Nasa Pasig ang pamilya ko. Wala naman akong ancestral roots sa Los Banos. Mayroon lang talagang hindi maintindihang connection sa pagitan ko at ng napakagandang lugar na to.

Bakit kaya ako napaibig sa Los Banos?

Suspect : Yung environment.

Kasi sa umaga, ang sarap langhapin ng hangin. Ang sarap panligo nung mainit na tubig na lumalabas sa gripo. Lalo na pag may matinding hangover, ang sarap pantanggal ng sakit ng ulo. Lalabas ka ng bahay, maririnig mo yung iba't-ibang huni ng mga ibon.
Dadampi sa mukha mo yung lamig ng simoy ng hangin, at didikit sa sapatos mo yung damo na nabasa sa hamog.

Hindi ko kayang lakarin ang Ayala Avenue from EDSA to Buendia, pero pag sa LB, kahit
doblehin pa yung same distance, wala akong reklamo. Kahit ilang milyong bumbilya pa ang ilagay mo sa mga building ng Makati , walang tatalo sa napakagandang backdrop ng LB, ang Mt. Makiling . Minsan magtataka ka, sa isang araw na wala kang makikitang ulap, makikita mong nakatambay ang mga clouds sa tuktok ng bundok na ito.

Suspect : Yung pagkain.

Wala namang pinagkaiba yung pagkain sa LB kumpara sa Manila e. Sa totoo lang, hindi din ako madalas kumain ng buko pie. Madaming kainan sa LB, pero ginawa kong suspect yung pagkain kasi napamahal talaga ako sa nanay ko dahil siya yung araw-araw na nagluluto ng laman-tiyan ko. Kung gagawa ako ng list ng "The Best
LB Food", nasa menu ko ang mantika-licious Ellen's Fried Chicken, yung Pinoy-style siomai sa Papu's, yung, Doner Durum (LB version ng shawarma), yung dinuguan na
binebenta sa Lapitan's Meat Shop, yung chocolate cake ng Mer-Nel's, yung tokwa sa IC's bar, at syempre ang aking all-time favorite na Bug-Ong Roasted Chicken. May natikman pa akong bagong panalong chibog, yung sa Ihaw Express na malapit sa White House.

Kahit sinong taga-LB ang tanungin ninyo, sasabihin nya na mas masarap ang Lucky Me Pancit Canton na niluto sa LB kesa sa niluto sa kung saang lugar.

Suspect : Yung inuman.

Kung magtatayo ka ng business sa LB na ayaw mong malugi, magtayo ka ng liquor shop o kaya ng affordable na bar. Dahil may kasabihan nga na "hindi ka taga-LB
kung hindi ka marunong uminom". Madaming resto- bar sa LB, pero nothing beats the house parties. Bago pa sumikat yung gin-pomelo sa Manila , yun na yung iniinom
namin. Madami pa kaming nagawang kakaibang cocktail. Yung Kamehame Wave (vodka ice tea), yung POGi (pineapple orange gin), yung FuKiKo (fundador,
hershey's kisses, tsaka kape), yung Boracay (Tanduay 3-in-1 coffee mix evap), at ang walang kamatayang Pina ColaTa (pineapple coke tanduay).

Sa LB, mas maganda ang tagayan kaysa kanya-kanyang kuha ng inom. At shempre kulang ang inom pag walang home-made pulutan tulad ng Kilawing Cornick at
ang sikat na sikat na Tuna-Skyflakes.

Suspect: Yung mga tao.

Ewan ko lang ngayon pero nung nandoon pa ako sa LB, walang social climber. Walang pa- sosyal dun. Yung mga galing sa mga mayayayamang pamilya (conio in layman's
terms), kailangang mag-fit in sa masa. Hindi importante ang porma. Kahit naka-
pambahay na damit at tsinelas ka pag papasok, tanggap ka na ng lipunan. Kaya yung mga kilala ko na taga-UP Diliman dati, hindi ma-gets yung mga kwento ko kung gaano
kami ka-barok sa UPLB. "How baboy naman the pig", ika nga nila.

Walang mapagkunwari sa LB. Siguro dahil nga small town lang to, lahat magkakakilala. Kung may pino-protektahan kang image, eventually, lahat ng baho mo lalabas din. Kaya mas magandang ilabas mo na yung totoong ikaw kasi mas mapapasama kung mabubuko ka lang.

Suspect: Yung memories.

Ahhh. The memories. Siguro sa lahat ng suspect ko, eto ang parang "Mastermind" . Pag nakasakay ako ng jeep sa LB, o kaya kahit naglalakad lang, hindi ko naiiwasang
tumingin sa isang bahay, sa isang bar, o sa isang kainan, at sabihin sa sarili ang mga
bagay na tulad ng "uy, diyan yung first kiss ko sa 3rd girlfriend ko", o kaya "diyan sa bangketang yan natulog yung brod ko nung nalasing", o kaya "diyan kami
pinakitaan ng multo". Halos lahat ng lugar sa LB, may naiwan akong memory doon. May mga napalitang mga establishments, pero may itatayong bago na maaring pag-
iwanan ulit ng alaala. Kung tutuusin, ang LB ay isang buhay na diary para sa kin. Bawat lugar, isang pahina. Bawat araw, isang linya.

Madaming hindi nakakaintindi sa akin kung bakit pabalik-balik ako sa Los Banos, lalo
na yung mga batchmates ko noong college. Lagi ko nang naririnig yung mga phrases na "Grow up", "Move on with your life", "Leave the past behind", "Wala ka na sa stage
ng buhay mo na college ka pa din". Masakit marinig, pero may point nga sila.

Kaya minsan, tinanong ko yung housemate ko na umuuwi sa LB every weekend. Sabi ko "bakit kaya ako bumabalik sa LB eh isinusuka na ako ng mga tao doon, wala naman
akong binabalikan, wala naman akong napapala?"

At hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi nya."Tinatanong pa ba yan? HOME. Home is where the heart is

Popular posts from this blog

A Mom's Thoughts on Sports and a Black-eye

For the first time in 13 years I came home to see my son sporting a shiner. And as much as I wanted to fuss, I couldn't...I wouldn't dare insult my son. Just waited for him to show it to me and tell me what really happened. Oh, I so wanted to rush him, to ask him to give me a blow-by-blow account but I kept my lips sealed. I wanted to kiss it and make it well, but I stopped at just a touch at his cheek while asking if it hurts. His teammate was telling him to make excuses for what happened and he answered with: Why should I? My mom knows I play soccer and she has always said this is part and parcel of the sport .  I remember seeing Fernando Torres of Liverpool once sporting a black-eye, too.  Well yes so I always say that…he plays basketball and soccer, which are both contact team sports albeit limited-contact - meaning there are rules that specifically prevent intentional or unintentional contact between players and penalties can be incurred when...

Remembering 9/11: The Legacy of Marie Rose Abad

The Americans in the US were not the only ones paying tribute to their loved ones who perished in the different events that made up what we call the tragedy that changed the world, Sept 11. Maybe unbeknownst to many Filipinos, there was one American married to a Filipino who died that day. And her legacy lives on in a once squalid and reeking with garbage slum in Manila turned into an orderly village that bears her name with 50 brightly one-storey colored homes built in her memory by her husband. As the world pays tribute to their fellowmen in the US, residents of Marie Rose Abad GK Village offered roses, balloons, and prayers for their benefactor. According to her Philippine-born American husband Rudy, he had it built in her memory in 2004 as a tribute to their 26 years of marriage and her unfulfilled desire to help the poor in the Philippines. This she saw when they first came here in 1989. After having described to her the Philippines as a paradise, they were appalled to see t...

TEEN AZKALS: The Future of Philippine Football

While all eyes are on the Philippine National Football Team or Philippine AZKALS as they prepare for the next qualifying game against Kuwait, the next generation members of the team called Teen AZKALS will be competing in the ASEAN Football Federation Under-16 Youth Championship 2011 in Vientiane, Laos from July 7 to 21. The Philippine Azkals’ goal to qualify to the FIFA World Cup remains a question, as the long road to World Cup will entail them to compete with several national football teams including Kuwait who has been playing for a long time and is ranked 101 st to Philippines 159 th   in the world. The Kuwait has appeared once in World Cup and 8 times in AFC, and has even won the AFC Cup in 1980.  Even manager Dan Palami admits “the chances are quite slim but that is all they need to attain victory as long as they train with their heart.” And certainly the Filipinos are rooting for them, but whether they do qualify or not, the Azkals has brought football to the heart...