HOW I LOVE UPLB

Sent by a friend:
"But it's always you I run home to, take me back, take me home away from here back to where I am free" -"Los Banos" by Sugarfree

Dalawang oras mula sa usok-infested streets of Metro Manila matatagpuan ang aking personal heaven dito sa mundo. Matanaw ko pa lang ang Mt. Makiling mula sa
South Superhighway, kinikilig na ako. Wala naman akong girlfriend sa LB. Lalo nang wala ding boyfriend. Kahit ka-fling na pwedeng balikan, wala naman akong pupuntahan. Pero yung feeling pwede mong itulad sa pagpunta mo sa bahay ng mahal mo
matapos ang isang buwang walang pag-uusap o pagkikita.

Nasa LB ang org ko, pero hindi naman kami close ng mga orgmates, actually parang iwas pa nga sila sa kin e. Nandito sa Metro Manila ang mga kaibigan ko. Nasa Pasig ang pamilya ko. Wala naman akong ancestral roots sa Los Banos. Mayroon lang talagang hindi maintindihang connection sa pagitan ko at ng napakagandang lugar na to.

Bakit kaya ako napaibig sa Los Banos?

Suspect : Yung environment.

Kasi sa umaga, ang sarap langhapin ng hangin. Ang sarap panligo nung mainit na tubig na lumalabas sa gripo. Lalo na pag may matinding hangover, ang sarap pantanggal ng sakit ng ulo. Lalabas ka ng bahay, maririnig mo yung iba't-ibang huni ng mga ibon.
Dadampi sa mukha mo yung lamig ng simoy ng hangin, at didikit sa sapatos mo yung damo na nabasa sa hamog.

Hindi ko kayang lakarin ang Ayala Avenue from EDSA to Buendia, pero pag sa LB, kahit
doblehin pa yung same distance, wala akong reklamo. Kahit ilang milyong bumbilya pa ang ilagay mo sa mga building ng Makati , walang tatalo sa napakagandang backdrop ng LB, ang Mt. Makiling . Minsan magtataka ka, sa isang araw na wala kang makikitang ulap, makikita mong nakatambay ang mga clouds sa tuktok ng bundok na ito.

Suspect : Yung pagkain.

Wala namang pinagkaiba yung pagkain sa LB kumpara sa Manila e. Sa totoo lang, hindi din ako madalas kumain ng buko pie. Madaming kainan sa LB, pero ginawa kong suspect yung pagkain kasi napamahal talaga ako sa nanay ko dahil siya yung araw-araw na nagluluto ng laman-tiyan ko. Kung gagawa ako ng list ng "The Best
LB Food", nasa menu ko ang mantika-licious Ellen's Fried Chicken, yung Pinoy-style siomai sa Papu's, yung, Doner Durum (LB version ng shawarma), yung dinuguan na
binebenta sa Lapitan's Meat Shop, yung chocolate cake ng Mer-Nel's, yung tokwa sa IC's bar, at syempre ang aking all-time favorite na Bug-Ong Roasted Chicken. May natikman pa akong bagong panalong chibog, yung sa Ihaw Express na malapit sa White House.

Kahit sinong taga-LB ang tanungin ninyo, sasabihin nya na mas masarap ang Lucky Me Pancit Canton na niluto sa LB kesa sa niluto sa kung saang lugar.

Suspect : Yung inuman.

Kung magtatayo ka ng business sa LB na ayaw mong malugi, magtayo ka ng liquor shop o kaya ng affordable na bar. Dahil may kasabihan nga na "hindi ka taga-LB
kung hindi ka marunong uminom". Madaming resto- bar sa LB, pero nothing beats the house parties. Bago pa sumikat yung gin-pomelo sa Manila , yun na yung iniinom
namin. Madami pa kaming nagawang kakaibang cocktail. Yung Kamehame Wave (vodka ice tea), yung POGi (pineapple orange gin), yung FuKiKo (fundador,
hershey's kisses, tsaka kape), yung Boracay (Tanduay 3-in-1 coffee mix evap), at ang walang kamatayang Pina ColaTa (pineapple coke tanduay).

Sa LB, mas maganda ang tagayan kaysa kanya-kanyang kuha ng inom. At shempre kulang ang inom pag walang home-made pulutan tulad ng Kilawing Cornick at
ang sikat na sikat na Tuna-Skyflakes.

Suspect: Yung mga tao.

Ewan ko lang ngayon pero nung nandoon pa ako sa LB, walang social climber. Walang pa- sosyal dun. Yung mga galing sa mga mayayayamang pamilya (conio in layman's
terms), kailangang mag-fit in sa masa. Hindi importante ang porma. Kahit naka-
pambahay na damit at tsinelas ka pag papasok, tanggap ka na ng lipunan. Kaya yung mga kilala ko na taga-UP Diliman dati, hindi ma-gets yung mga kwento ko kung gaano
kami ka-barok sa UPLB. "How baboy naman the pig", ika nga nila.

Walang mapagkunwari sa LB. Siguro dahil nga small town lang to, lahat magkakakilala. Kung may pino-protektahan kang image, eventually, lahat ng baho mo lalabas din. Kaya mas magandang ilabas mo na yung totoong ikaw kasi mas mapapasama kung mabubuko ka lang.

Suspect: Yung memories.

Ahhh. The memories. Siguro sa lahat ng suspect ko, eto ang parang "Mastermind" . Pag nakasakay ako ng jeep sa LB, o kaya kahit naglalakad lang, hindi ko naiiwasang
tumingin sa isang bahay, sa isang bar, o sa isang kainan, at sabihin sa sarili ang mga
bagay na tulad ng "uy, diyan yung first kiss ko sa 3rd girlfriend ko", o kaya "diyan sa bangketang yan natulog yung brod ko nung nalasing", o kaya "diyan kami
pinakitaan ng multo". Halos lahat ng lugar sa LB, may naiwan akong memory doon. May mga napalitang mga establishments, pero may itatayong bago na maaring pag-
iwanan ulit ng alaala. Kung tutuusin, ang LB ay isang buhay na diary para sa kin. Bawat lugar, isang pahina. Bawat araw, isang linya.

Madaming hindi nakakaintindi sa akin kung bakit pabalik-balik ako sa Los Banos, lalo
na yung mga batchmates ko noong college. Lagi ko nang naririnig yung mga phrases na "Grow up", "Move on with your life", "Leave the past behind", "Wala ka na sa stage
ng buhay mo na college ka pa din". Masakit marinig, pero may point nga sila.

Kaya minsan, tinanong ko yung housemate ko na umuuwi sa LB every weekend. Sabi ko "bakit kaya ako bumabalik sa LB eh isinusuka na ako ng mga tao doon, wala naman
akong binabalikan, wala naman akong napapala?"

At hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi nya."Tinatanong pa ba yan? HOME. Home is where the heart is

Taga-UPLB ka kung...

A kabatch sent this and I think only a true blue elbi-nian would understand this, only up to a certain batch yata coz the recent batches have seen a lot of changes in LB.


1. Kilala mo si Mang Pogs.
2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga.
3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa math, stat, chem,physics, eco etc.
5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate.hahaha! sagot mo elbi.
6. Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)
7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/pantulog attire ka.
8. Pag nagtanong si manong driver ng "may animal ba dyan?", at may sumagot ng "meron po" ay di ka natawa.
9. Pag nagtanong uli si manong driver ng "may mens ba dyan?", at may sumagot uli ng "meron po" ay di ka natawa.
10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.
11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight
12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.
13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.
14. Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.
15. Alam mo kung nasaan ang White House.
16. May tanline ka ng tsinelas.
17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa 'heater cup'
18. Sanay ka maglakad.
19. Thursday night ang gimik night mo.
20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen's Fried Chicken, at Sizzler's ang tinitingalang kainan.
21. Kilala mo sina Saniano Boy at Girl.
22. Alam mo kung nasaan ang "Johnson".
23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.
24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.
25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa.
26. Alam mong ok lang na pumunta sa Maahas.
27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom.
28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek KwekTower, at ang Templo ni Bruce Lee.
29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na.
30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree...
31. Hindi ka kumakain ng buko pie.
32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.
33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel's.
34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate(main), mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park ...
35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.
36. Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin.
37. Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka hang..
38. Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos.
39. Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw.. hehe..
40. Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen's fried chicken sa LB.
41. Apektado ka sa pagsasara ng ic's
42. Pag may sakit ka, hindi ka pupunta "infirmary" except lang pag kukuha ka ng excuse slip.
43. Marami kang alam na ghost stories, sa ilag's, sa men's dorm, sa faculty village, sa may social garden etc...
44. Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing feb fair).
45. Alam mo na ang tunog ng pillbox. (rambol!)
46. Taga lb ka kapag kilala mo si "manang slow"..
47. Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson's.
48. Taga elbi ka kapag mas gusto mong tumambay pag feb fair kesa manood ng kung anuman sa stage.
49. Kaya mong i-identify ang specie at subspecie ng bawat punong nadadaanan mo.
50. Alam mo na ang shortest way sa papuntang st. therese from Hum ay ang dirt road...
51. Taga-elbi ka kapag alam mo kumbaket maraming natatalisod sa raymundo gate.
52. Hindi mo kailangan ng rason para uminom ... hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom (... hindi mo na rin minsan kailangan ng baso ).
53. Alam mo kung nasaan ang Soils.
54. Mas trip mo mag-redhorse kesa mag San Mig Light.
55. Kung di man natuloy ay binalak mong umakyat ng peak two.
56. Taga elbi ka pag nakakita ka ng snow pag summer (yun yung bulak na nagkalat sa campus... kapok).
57. Taga-elbi ka rin pag handa mong gawin ang lahat pag nag-peprerog ka makakuha ka lng ng slot sa subject na yon (lalo na pag GE).
58. Alam mo kung saan makakabili ng masarap na proven at chicken skin--> dun malapit sa white house.
59. Alam mong ang devcom ay dating under ng ca.
60. Mas enjoy mo ang gimik sa apartment compared to bars and restos.
61. Alam mong ang "audi" at DL Umali Hall ay iisa.
62. Alam mong may gasolinahan sa loob ng campus (sa likod ng CEAT).
63. Sineryoso mo na kailangan may kasama kang date pag drill night.
63. Alam mo kung nasaan ang Ilag's, Raymundo's at Catalan.
64. Dismissed ka na pero sa elbi ka pa rin nakatira.
65. Alam mo kung nasaan ang Batcave.
66. Gusto mong pasabugin ang PhySci building.
67.Alam mong ang LB Square ay dating vacant lot na puro talahib.
68. Nakapanood ka na ng sine sa Agrix.

puede pa dagdagan ang listahan na yan a..

69.ang classroom mo sa trigonometry ay sa SU basement
70.nag study group kayo ng may dalang timba na puno ng ice cold beer
71.natikman mo na ang pasas sa loob ng bote ng doris lambanog
72.pati funnel ng suka e ginamit mo na para malasing ka
73.natikman mo na ang goto ni lola at hotdog ni lolo
74.pumupunta ka sa library pero sa likod ka lang at di pumapasok sa loob
75.nakita mo si batman, robin, santa claus at jose rizal na sama-sama.

From good to great?

new changes are being implemented in our company..of course we are all hoping its for the best of everyone.

its hard though, there is always an adjustment period and right now its kind of hard...my fault i think because i allowed myself to deteriorate (what a term!) and now writing better stuffs is taking a lot of my gray cells working again...or should i say it working overtime again.

let's see where this will take me...i'll keep you posted.

Gone are the days....



i saw my son's cellphone had three unread messages, told him about it and asked if its okay to read....three messages all coming from a girl, asking my son if it's okay that he text back, if they could be friends, telling him her friend likes him. OMG....this is my baby ur talking to, my one and only boy, my unico hijo,...he's getting text messages already....i did not know if i was going to cry or laugh....oh how it is to be a mother and to realize that ur baby is no longer a baby.

my son is 10 years old....how swift time flies, it seems that just yesterday he was crawling... learning to walk...and now its like he's always on the run...and he's definitely getting text messages and cute love notes from girls.

the last 10 years has not been a bed of roses...it has been one long roller-coaster ride...well, that's what parenting is...if anyone can honestly tell me parenting is one smooth ride or just a bed of roses, i would like to get to meet them..i would really love to meet their children, too. lolz

years ago my son was content to just follow me around, hanging on my every word...i can say that his world was me...my voice, my smile, my face..that was all the world he needed. if i knew that the world spins faster than usual i would have bottled it all up...so that i could have stored it and look upon it once in a while....but no, and alas, nowadays if i see him inside the house, or the room...i would have to ask if anything is wrong with him....if i do see him at home on weekends i would utter in disbelief, uhuh...himala or magpapamisa ako!

gone are the days when a simple yes po, yes ma..don't do that and he'd stop...sit, eat, sleep...and lots of love u and small kisses...nowadays...it's all a blur...well, i think it should be 'now you see him now u don't' type and answers like...well ma, i still need to do this and that or na ah or ye ye or du uh or see ya ma, be back in a few minutes...(we are using a different clock...his minutes are actually hours in mine!). sometimes i wonder if those are new words that could be found in the latest version of Webster.

i often worry if am doing the right thing with regards to my son...i could be very strict but i made sure i always explained to him why i got mad, why he had to do a timeout, why he was grounded and i always made sure he knew how much i love him. maybe its why he is still very malambing (affectionate), he is not ashamed to sit on my lap and give me a hug...or get a kiss in public places (though there was a time that he did)...he still laughs at my antics and often tell me am silly, with matching make faces...often my father would tell me am coddling him...i don't believe i am....with an almost nonexistent father i think my son deserves more from me..and i just want him to know that he is always loved...no matter how angry i have been, no matter the rants and raves, no matter the time-outs and being grounded...he remains to be my Valentine love, my Christmas and birthday gift, all rolled into one....ooooopssss, i think its getting mushy and he wont appreciate it.

the reason i wanted to write this is not because i want to show am a good mother..because i cant say i really am, i certainly hope i am being a good mother....but one can only say she is a good one if her her children turns out better than her.....(debate with me if you want but that is my opinion, and this is my blog) and still manage to have a good and happy relationship with her. there is no one style in parenting, there is no CORRECT style..i think and believe that what is important is being able to instill the values you believe in without losing your relationship with your children.

my main purpose actually is to tell all the mothers (and fathers too) out there to enjoy these precious moments while they are young....its not cliche' to say that time flies but it does, really.

Songs from the past

right now am listening to the music of gary granada and it has brought me a lot of memories....long before my son came, these memories were the most treasured ones because this was of the time i was happiest the most, where i was able to be myself, where my life meant some thing, happily working with the farmers, religiously taking part in the task of giving them the education the government has not given them, empowering them and helping them realize their small dreams thru the projects we created.

during those days, because i was away from my family, it was music which was able to sooth my aches and my hurts...because no matter how happy i was being with them it was also an arduous task. it was physically and emotionally difficult..physically, because the mountain is not kind to those who are blind as a bat, like i am, the treks were long and oh so tiring that made waking up the next day so hard. emotionally it was draining because you will feel for the people, the children who were not able to attend school because their barrio did not have one or to go to school they had to walk an hour or so, at the least. the teens who have the notion that working in manila would be better for them only to come home without a single cent saved. and there wee so much more....music was my solace...a good thing that i always had my walkman ( i did not have an mp3 back then)...i would have it on while walking so i would not feel and realize that we have been walking for hours....during the nights when i terribly missed my family...when there we so many problems bothering me....when making decisions that you know would affect a lot of people...

the music i love were those that came from the masses, progressive or alternative songs of armas, gary granada, joey ayala and buklod and many others....which i have not heard for a long time since i came home....and now that i have copies of it again i cant help but listen to it over and over...not because the melody is outstanding but more because the lyrics are real...it may have been years since some of them were written but it still holds true....

let me share some of these songs....for those who can't read and speak english...give me sometime and i will leave explanations for each.

for now, let me just feel it....

Ang Lupang Ito

Simoy ng bukid at hamog sa linang
Luntiang paligid ang aking kinagisnan
Mahal na magulang at mga anak ko
Dito isinilang sa lupang ito

Sa init na labis at salat na ulan
Dinilig ko ng pawis ang lupang tigang
Binhi at sumibol, nag-usbong, nag-uhay
Nagbunga at bumuhay ng maraming buhay

Ngunit dumating ang araw
Ang lupa'y naagaw at nasiil
Ng mga dayuha't banyagang
May mahiwagang dokumentong papel

Ang aking paniwala magmula pa noon
Iba sa panukala na nakasulat doon
Ang sinabi ng pari ay di raw totoo
Na Dios ang may-ari ng lupang ito

Sa aking bulong at sigaw
Tangis at hiyaw at walang nakinig
Ngunit sa kataastaasan
Ang katotohanan kailanman'y di lingid

Ang Dios ng pag-ibig at kapayapaan
Dios din na hukom, Dios ng katarungan
Babalik na ang hari, magsusulit kayo
Sa tunay na may-ari ng lupang ito



Bahay

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay

Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay ay pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay





Tatsulok

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, huwag kang magpagabi
Baka pagkamalan pa’t humandusay diyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

Refrain
Hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t mas marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Chorus
Habang may tatsulok
At sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Lumilikas ang hininga ng kayraming mga tao
At ang dating lunting bukid ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok
At katulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok

Repeat Refrain and Chorus twice

Ikaw na May Baril

ikaw na may baril
mabigat ang yong pasanin
pagpisil mo ng gatilyo
ilang buhay ang kikitilin
ilang anak ang iiyak
o di kaya'y di maisisilang
pagpisil mo ng gatilyo
isip-isipin mo lang

ang balang tingga
ay walang mata
kung saan ka nakaturo
doon siya pupunta

kaya ikaw na may baril
tiyakin mo ang iyong layunin
pagpisil mo ng gatilyo
ano ang nais mong abutin
ikaw ba'y tagapagligtas
o di kaya'y isa lamang mandarahas
pagpisil mo ng gatilyo
isip-isipin mo lang

ang balang tingga
ay walang mata
kung saan ka nakaturo
doon siya pupunta

ang balang tingga
ay walang mata
kung saan ka nakaturo
doon siya pupunta



these are some songs that taught me to hold on to my beliefs, my principles...they made me stronger, over and over again they showed me how right, how correct it is to fight for what you know is right and what you believe in.

Earn More with LinkConnector

Earn More with LinkConnector